Tuesday, September 21, 2010

The Girl's Bathroom



*This post is in Filipino.

Nanonood ako ng TV kanina nang biglang nag ring ang telepono. Tumawag ang aking baklitang prenship from college. Nangangamusta lang. Nagtatanong kung meron ba kaming handa sa pista namin. (Oo nga pala, pista namin sa wednesday, punta kayo ha. KKB sa tiket papuntang Iloilo. Then libre ko kayo.. pamasahe sa traysikel.) Sabi ko, for the chosen few lang ang handa namin. Hehehe..Joke. So eto ngang si baklitang prenship, sabi pupunta raw sa bahay at gigimik daw kami hanggang gabi. Joskowpoh! Hanggang madaling araw pa, kung pupwede. Ay hala. Puyatan to the max to. Ok sige, pagbigyan ang buntis, baka makunan.

So after ng pagkahaba-habang chismax, balik nako sa aking TV. Tapos, naisip ko na lang.. Hindi ko alam kung bakit. LOL. Bakit ba ang babae antagal sa CR? Parang ang layo yata ng naisip kong question dun sa kinwento ko..

Eniwei. Mga boys.. Napansin nyo rin ba? Bakit ba antagal gumamit ng CR ang mga babae? Syempre, bilang isang girl, alam ko na ang sagot. Eh kayo? Napapatanong ka rin ba minsan.. "Bakit ba laging mahaba ang pila sa girl's bathroom? Ano bang ginagawa ng mga babae sa loob? Meron bang wifi access dun? Ano ba ang itsura ng CR ng babae.. may urinal rin kaya yun? At bakit kailangan talagang may kasama? Ano yun.. assistant? Tagahugas?"



Sa mga nakakaalam na, well good for you. Sa hindi pa nakakaalam, well, good for you pa rin. Hehe. Anyway, ganun talaga. Hindi naman lahat.. pero karamihan sa mga babae ay sadyang matagal gumamit ng CR. Kaya nga kadalasan, super haba ang linya sa mga public CR for ladies.

Sa lalaki kasi, parang ambilis lang. Pasok sa loob, buksan ang zipper ng pants, then just do the deed. Then pagkatapos, isarado ang zipper, maghugas ng kamay, konting pakyut sa salamin, labas ng CR. Wala pang 5 minutes, tapos na.

FYI, sa mga babae po, iba.

Naalala ko tuloy ang isang karanasan noong college pa ako. Naglakwatsa kami ng mga kaibigan ko sa syudad. Tatlo kaming girls at apat na boys. Nanood kami nun ng sine. Within that 2-3 hours of watching, walang nag "May I go out?". Kaya pagkatapos ng pelikula, nag-uunahan na sa comfort room. Ihing-ihi na kaming lahat.

Pagpasok ng CR, syempre pila muna. Andami rin ang naiihi. Then, it's my turn na rin sa wakas. Hay. Success! Then after that, naghugas ng hands at nagchika muna sa harapan ng mirror. Pinag-usapan yung kapapanood na movie.

"Hay, ang gwapo talaga ni Leonardo di Caprio!"
"Peste namang Rose yun. Sabi "I won't let go. Eh ni-let go naman ang kamay ni Jack. Ayun, nalunod nang tuluyan."
"Tange kasi ang captain. Meron na kayang iceberg warning, di pa pinansin."
"Kung bakit kasi yung si Bruce Ismay ba yun? Kinumbinsi yung kapitan na gamitin yung natitirang boilers para mapabilis ang barko."
"Kasalanan ng kapitan. Hindi ni Ismay."
"Si Ismay ang may sala."
"Ang kapitan."
"Si Ismay nga!"

Hmm.. Di naman obvious kung anong pelikula ang napanood namin. Eniwei, medyo matagal-tagal ang chika at diskusyon sa loob ng CR. Hindi lang naman kami. Meron ding iba't ibang grupo ng girls na pareho ring nag-iingay sa loob, sabay retouch ng mga make up. Pagkatapos ng maraming aktibidades sa loob ng CR, lumabas na rin kami at long last. Halatang naiinis na ang kasama naming mga lalaki.

"Meron bang free internet sa loob at parang dun pa kayo nag-research? Antagal nyo eh!"

Ang isang babae ay may maraming "activities" sa loob ng CR. Allow me to enumerate..

  • Pagpasok palang, tingin muna sa mirror.
  • Magpakyut nang slight sa mirror.
  • Magchichika muna sa kasama. "Ok ba tong suot ko?"
  • Hahanap ng mas maikling linya sa cubicle.
  • Maglalagay ng tissue sa bowl bago maupo.
  • Doing the deed and etc...
  • Paglabas ng cubicle, balik ulit sa mirror.
  • Maghuhugas ng kamay.
  • Pupunta sa dryer.
  • Balik ulit sa mirror.
  • Magchi-chika ulit sa kasama.
  • Magre-retouch ulit.
  • Pose.
  • Front view.
  • Pose.
  • Side view.
  • Pose.
  • Back view.
  • Retouch.
  • Magto-toothbrush.
  • Magsusuklay ng buhok.
  • Retouch ulit.
  • Chika sa kasama. "Ok na ba ang blush on ko? Hindi masyadong mapula?"
  • Maglalagay ng pabango.
  • Pose.
  • Front view.
  • Pose.
  • Side view.
  • Pose.
  • Back view.
  • Maglalagay ng lipstick, sabay bigay ng "flying kiss" sa sarili sa salamin.
  • Tapos na ang sariling activities.
  • Hihintayin pa ang kasama.
  • Chismis habang naghihintay.
  • Sa wakas, lumabas ng CR..

Syempre, depende rin yan sa sitwasyon. Kapag nagmamadali ka at medyo late na sa isang appointment, syempre hindi ka na magpo-posing posing sa harap ng salamin. Konting suklay, konting retouch, then alis agad. Pero meron rin parang ginagawang tambayan ang CR. Lalo na kapag magkakabarkada o makaklase. Kadalasan ay pinag-uusapaan nila ang latest chismax ukol sa kanilang mga kras. Meron kasing "security" na ino-offer ang ladies' CR. Siguradong walang makakarinig na boys. Kaya nga minsan, ang salitang CR, it stands for "chismisan room" ng mg girls.

Hindi lahat ng kababaihan, eh ganito ang ginagawa sa loob ng CR. Karamihan lang sa aming "species" ay ganito. Personally, I can do the whole CR thing in just 3 minutes.. maybe 5 minutes, tops. Well, of course, the obvious reason why I'm there, the applying of the lip gloss, face powder, cheek tint and perfume, and lastly, the model pose in front of the mirror and the brushing of the hair. Hindi ko rin naman kasi kailangan na mag-effort talaga kasi byotipol na ako. Hehehe.. Hoy. Wag kang epal. Blog ko to. Natatagalan lang minsan kasi sobrang haba ng mga lines sa cubicles at andami pang mga girls na nag-uusap sa loob. I actually prefer going to the ladies' comfort room alone. Pero syempre, kapag may kasama ako, hihintayin mo ko ring matapos ang aking prenship para sabay na akming lumabas ng CR. I'm not rude naman.

So kayong mga boys, sana habaan nyo pa yung pasensya nyo at intindihin nyo na lang kung ang mga girlpren nyo ay nagtatagal sa CR. Nagpapaganda pa yun for you. Oh diva? At para naman sa mga hindi nakakaintindi, Eh sa marami kaming ginagawa sa loob eh. Angal ka?

Makapag CR nga muna.


12 comments:

  1. guilty as charged! sa katagalan sa CR hahahaha...

    thats just the way girls are.. :D

    ate punta ako sa fiesta, padalhan mo ko pamasahe hahahaha

    ReplyDelete
  2. hahahahhaha napakaswerte tlg ng mga babae--pati cr inaangkin. hahahaha!!!

    ngapala, kaya rin ako uwi sa wednesday kasi fiesta tpos bday ni lola d nxt day hahahaha

    ReplyDelete
  3. aha! sinasabi ko na nga ba :) hehehe ngayon naiintindihan ko na kung bakit matagal ang babae sa CR

    Isa nalang ang hindi ko maintindihan

    BAT MAY DALA KAYO TISSUE palagi? hehe

    ReplyDelete
  4. Kaya nga kapag nagC CR ang babae eh mas mabuti pang gumala gala na muna at saka na lang balikan... siguradong nakagala na kami hindi pa rin kayo tapos... hehehehehehhe... sa susunod tambay naman ang babae sa arcade naman! lol

    ReplyDelete
  5. ayun oh yun.. kaya naman pala eh,, tama si sir I am Xprosaic.. heheh mas maganda pa na gumala muna.. para di sayang ung oras hehe :D

    ReplyDelete
  6. OUCH!Natamaan naman ako dito...hahaha

    ReplyDelete
  7. aha..kaya pala natatagalan ang girlfriend ko sa cr ganito pala ang ginagawa niya..hahhaa..so true..sa mga malls ang haba haba haba haba ng pila for girls..grabi naman..

    thanks for visiting my photoblog pala..nilagay na kita sa favorites links ko kasi your blog seems so good and nice..salamat:D kita kits sa masskara festival!

    ReplyDelete
  8. @Yannah: Ayun! Sapol si Yannah.. =)

    @Steph: Oo nga. Girls rule. Haha.. Tsk. Sayang di tayo nagkita dito sa Iloilo. Pero eniwez, darating rin ang time na yun. Halong pirme, Ms Ganda. =)

    @Rah: Ba't may dala kaming tissue?....... SECRET!!! ☺

    ReplyDelete
  9. @X: Haha.. Merong mga pagkakataon na ganyan, lalo na kung mahaba talaga ang pila. Pang box office.. Mas mabuti nga siguro gumala muna kayo. Hihihi..

    @Axl: Oo nga noh.. or pwede rin tambay muna kayo sa coffe shop. Hehe..

    @HartlessChiq: Eto na naman.. Sapol ulit! Bull's eye! Hihihi..

    @Bacolod: Hehe. So ngayon, alam mo na.. Nagpapaganda pa si girlpren for you. Sige, kitakits sa Mascara Festival!! =)

    ReplyDelete
  10. hahah...ganun pla yun.... now i get it.... thanks sa info. prenship.. hhehe...

    ReplyDelete
  11. `hahah . aray ! :)
    mnsan nga nsasabihan p tau ng "oi nkatulog kna ba dyan?"
    hahah .. malamig kase s cr eh .. HAHAH :))

    ReplyDelete
  12. @Mitchie: hahaha!!! Oo nga noh? Malamig talga sa CR.. di ko pa nata-try yan. Ma-try nga minsan. Hahaha!! =)

    ReplyDelete