Thursday, September 02, 2010

A Birthday Reunion



*This post is in Filipino.

Matagal-tagal rin bago ako nakapag bonding with my college friends.. I've never seen them for almost 5 years. We kept in touch thru text and facebook, pero iba pa rin kasi kapag peys-to-peys. Kaya excited rin akong makapunta sa birthday party ng anak ng isang kaibigan noong college. I kept saying, "This is gonna be good."

August 29, 2010. The day started out real fine. I woke up at about 7:00 in the morning. The plan was, we'd all meet up sa Andok's Place, malapit lang sa Jaro plaza, then diretso na sa birthday venue at 12:00 noon. Tamang-tama lang sa chibug. So.. I woke up at 7. Actually, gusto ko pa sanang matulog. Ang ganda ng panaginip ko. Pero ang kulit ng pamangkin kong si Sophia.. nambubwisit nangungulit na, ang aga-aga pa eh. She kept on tugging at my hair and mumbling some incomprehensible words like "abbluhu..hablu..huh? chatudlubahum.." Ano raw, baby? Hehe.. Ang cute ng pamangkin ko. Parang ako. Hahaha!

So yun nga. I woke up, had my breakfast, watched TV, checked my blog, took a bath and got ready for the party. Umalis ako ng house at about 11:30. Wala pa akong enough pera sa wallet kasi di ako nakapag widraw ng datung last night. Out of service ang ATM machine na malapit sa apartment. Eh ayokong pumunta ulit dun kasi baka out of service pa, at tinatamad na akong maghanap pa ng ibang machines, so nanghiram na lang ako ng pera kay sis-in-law. Hehehe. Hiram po, hindi hingi.

Sugod na. I was the first one to arrive sa Andok's Place. Then, Joeneth. "Looking good, Joeneth!" Yun lang ang nasabi ko. Hehehe! I haven't seen this guy for 5 years. Apple arrived next. Her name is actually Fredalyn, pero nakasanayan na naming tawagin siyang Apple or Apol. Lagi ko tong ka-chat sa YM. Cute pa rin, walang ipinagbago. Hehehe. Florence, aka Pinky, was the last one to arrive. "Nice bangs, Pinky!" Hehe. So kumpleto na kami. Yung iba kasi, hindi makakarating. There's only 4 of us.. ang dakilang tatlong itlog, plus one.


12:30 na. Tum-gots na kami. Kaya GO na! Habang sumasakay kami ng jeepney, start na ang chika. Para kaming mga hayskul/college istudents. Ang iingay. Hehe. Parang kelan lang.. Aww. Namiss ko tuloy ang college life. Yung student life.. Yung maaga magising para hindi malate sa first class (usually 7:00 am).. yung pa-sali-sali sa mga school orgs, academic contests and sport competitions.. yung bonding time with the barkada, sa harap ng videoke, food and drinks.. yung pa-hingi-hingi ng allowance sa parents. Wehehe!! Kakamiss..

Yun na, nakarating na kami ng venue at about 1:00 in the afternoon na. Rose welcomed us in. We asked for Gabe, kaso nahihiya pa ang bata. Si Gabe ang magbibirthday. Pinaupo muna kami habang hinahanda ang mesa. So chika-chika muna.. and I took some pictures. Nang ok na for lunch, Rose said to dig in, so we dug in. Hahaha! Lunch na. Gutom na talaga ako nun. Nagra-rally na kasi ang mga alaga ko sa tyan. Hindi ko na nga nakunan ng picture ang food kasi naunahan na talaga ng gutom. Hehehe.

Merong children's party na gaganapin alas-tres ng hapon. Habang naghihintay, chika-chika ulit. Nagkakamustahan. Nagaalaskahan. Lagi na lang tinutukso ni Joeneth itong si Pinky about her tummy and baby fats. Eto namang isa, eh inaalaska si Joeneth sa kanyang..... ay! Secret!! Di pwedeng idetalye. Baka mabigyan pa ako ng upper cut ni Joeneth, masira pa ang beauty ko. Hahaha!

Siyempre, kapag merong pwedeng gawin para makatulong sa paghahanda, we lend a hand. Actually, sina Pinky at Apple lang. Tinatamad nga ako, diba. Hehe. Ang bilis lang ng oras. Magsisimula na ang party. Naka costume na si birthday boy. Cute! Naka- Megatron costume siya. Transformers. Lumabas na rin si Tito Clown. Palakpakan ang mga bata. Ako rin, pumalakpak. Hehe! After many years, ngayon lang ako ulit nakapunta sa isang birthday party na merong clown. Noong bata pa kasi ako, takot ako sa clown. Ayokong makakita ng clowns. Then na-overcome ko nga ang aking fear of clowns, pero hindi na ako nagkakaroon ng birthday parties with clowns during my high school. Dyahe na kasi eh.. Simpleng family gatherings lang during my b-day, ok na.

Anyway, sa party ni Gabe, merong isang clown. Pagkakita ko kay Tito clown, stand up na rin ako, pumalakpak sabay sabi, "Oi, May clown! May clown! Look oh! Tingnan niyo, may clown!" Excited?? Hahaha! Parang nasira ang poise ko dun ah.

Ang galing ni Tito Clown.. Ang corny ng mga jokes. Hehehe!

Clown: O mga bata, paano ba natutulog ang bulag? Maliban sa nakapikit?
Bata1: Nakahiga!
Bata2: Nakadapa!
Bata3: May kumot at unan!!
Bata4: May katabing lata ng limos!!!
Clown: Mali lahat...
Bata4: Ano ang sagot??
Clown: Eh di, naghihilik!!
Clown: Anong isda ang binibigkas ng tatlong beses ang pangalan?
Bata1: Lapu-lapu!
Clown: Dalawang beses lang yun..
Bata2: Lapu-lapu-lapu!
Bata3: Sap-sap-sap!!
Clown: Mali...
Kuya: (nakisali rin..) 555!!!
Clown: TAMA!!!

Andami pa sana, pero hindi ko na maalala eh. Busy ako sa kakatawa, hindi ko nakunan ng video. Meron ding mga magic tricks. Oo nga at matanda na ako (huh?!?) pero kapag nakakakita ako ng magic, napapanganga na lang ako, nagtataka "How the heck did he do it???" I was really amazed with the blank coloring book magic trick. Hinahawakan lang niya ang libro the whole time. Then simpleng galaw lang ng kamay, meron nang pictures sa loob. Then again, after 3 counts, meron nang kulay ang pictures. 3 counts ulit, nawala ang pictures!! Paano ba nya nagagawa yun? I was watching his hands the whole time!! How? HOW?? Plangak!

Ang saya ng party ni Gabe. Na-enjoy ko talaga nang husto. Madalas ay napapautot na lang ako sa kakatawa. Hehehe! Nakakatuwa talaga si Tito clown and his funny antics. I labet! After the little show, chibugan time ulit. Marami ulit food. Spaghetti, hotdogs on stick, lumpia shanghai, ice cream.. andami pa. Puno nga ang pinggan ko eh. Eto naman si Joeneth, matakaw sa softdrinks. Pati ba naman ang softdrink ko, ininum? Eh hindi pa naman ubos yung sa kanya. Pati nga yung ke Pinky, ininum rin nya. (Sumbong much..) Tawa lang siya ng tawa. Joeneth talaga! Sus! Kumuha na nga lang ako ng bagong inumin sa loob, and made sure na hindi na niya makuha pa. Lumipat na ako ng upuan para hindi nya maabot. Hehehe!



Natapos ang party at about 5:00. Umuwi na ang mga bata kasi tapos na ang party. Kami naman na mga adults (adults kuno..) eh nagpaiwan muna to exchange chikas over some drinks and pulutan. Actually, hindi ako heavy drinker. Ok na ako sa isang bote lang. I've had this very very bad experience during my high school. I was completely wasted. 'Kakahiya.. And the morning after, a very bad hang over. Parang may tumutusok na patalim sa utak ko. Mygawd!


Anyway, one bottle lang ako. Also, with Apple. San Mig light lang. Si Rose, hindi na uminom, but she's there with us syempre, nakiki-bonding. Ang dalawang kasama namin (na may problema kuno) ay nakaubos ng 6 na bote ng Red Horse Beer. Wehehe! May mga love problems. Echoz! Dear Tita Charo ang drama naming lima. Hehe.. Si Pinky, detalyado ang pag-sasalaysay ng problema. Si Joeneth naman, lumabas ang kadaldalan. Maingay. Umi-english2 pa. Hahaha! Kakatuwa talaga. The whole time we were talking about love and relationships, at ang problema nitong dalawang taong sawi sa pag-ibig. Char! Kami naman nina Rose at Apple, steady lang sa pakikinig, pagi-ismyl at paga-advice. Napagdaanan ko rin kasi ang mga issues nila. So based on experience, eh meron akong words of wisdom na pwedeng mai-sheyr sa kanila. Andami ko rin kasing napagdaanan na pain and suffering, binigay lahat ng hinayupak kong ex boypren. 

Gabi na ng matapos ang bonding time namin. From 1:00 in the afternoon until about 8:00 in the evening, eh 7 hours lang kaming magkasama ng mga college prenship ko. Pero kahit 7 hours lang, enjoy to the max naman. Salamat ng marami, Madam Rose for the invite. Nag-enjoy ako ng todo. It really was a fun day, talking and laughing with them: Joeneth, Apple, Florence and Rose. Bonus lang na andun si Tito Clown.


11 comments:

  1. grabe!!! sing enggrande naman ng party tong site mo!!! na amaze ako as in mangha-amazing!!! :D ang cute

    frends na us hah

    ReplyDelete
  2. wahahaha panalo yung 555!

    ReplyDelete
  3. ang saya saya nman, namiz ko tuloy college chums ko, hmmm, maitxt nga sila...

    ReplyDelete
  4. Wow! Party Party party! namiss ko na ang inuman session ng barkADA hehehe...

    ReplyDelete
  5. ang babaw ko! natawa ako sa 555 nung clown! leche! bwahahaha.

    ReplyDelete
  6. ako rin nadala nung 555! ayos XD

    ReplyDelete
  7. Natatawa ako. Naiisip ko kasi habang binabasa yung post mo yung napanood ko sa showtime kanina. Si vice ganda eka Party party. Party party with matching awkward moves. Haha.

    555 nga naman. Haha.

    ReplyDelete
  8. Yun oh! saya talaga kapag mga bonding moments... heheheheheh

    ReplyDelete
  9. @Tong: Panalong-panalo talaga ang 555. Hehehe... Sureness, tong. Frends na us.

    @Imriz: Go, go po.. text nyo po sila and mag-bond na rin kayo ng inyong college chums.. =)

    @Jag: Yep.. party! saya talaga ang bonding moments over drinks and pulutan. =)

    ReplyDelete
  10. @Toilet Thoughts: Wehehe!!! Nakakatawa naman kasi talaga.. conrny pero funny. Hehe.. =)

    @Sikoletlover: You, too ha.. Andami pa yan sana, kaso hindi ko na matandaan. =)

    @Yow: Ay yeah, nakita ko yun.. hehe.. Ibang klase talaga si Vice. =)

    @Xprosiac: Yep. enjoy talaga.. =)


    Salamat sa lahat sa pag-komento..

    ReplyDelete
  11. Andami kong naramdaman nung binasa ko. NAGUTOM, NATAWA, NA-MISS ANG KAINOSENTEHAN (you took my innocence ate Leah!) Syempre joke yun! :)) Para akong naki-party, naiimagine ko yung clown! Weeeeeeee~ I love clowns and magic.

    ReplyDelete