Monday, September 13, 2010

Home Again


*This post is mostly in Filipino.


I went home again. Another mini-break. Two days lang. Hehehe. Just went home to see my mom and lola back home. Oh, and also my dogs. =)

I packed my things that Thursday afternoon. It was 2:00 o'clock when I went out of the door. "Babay, pipol!". Isang bag lang naman ang dala ko. Inside were just some personal things, my cellphone, camera and laptop. I'd be gone for 2-3 days lang naman. No need to bring my "maleta" with me. Hehehe.

Ang tindi pa ng sikat ng araw habang ako ay nagbabantay ng traysikel. Mabuti na lang at dumating agad itong si mamang drayber. Ako lang ang nag-iisang pasahero kaya feeling ko, "special trip" ko to. Meron pang sound system ang traysikel ni mamang drayber. Nice. At kanta pa ni Justin Beiber ang paulit-ulit na pinapatugtog. Sirang plaka yata. Yung "Baby" ba yun? "Baby, baby, baby oh!".



Nang dumating nako sa town proper, bantay ulit ng bus o ng jeepney pauwi sa probinsya namin. Nang dumating ang jeepney, kahit na medyo "all-seats-occupied" na, eh sumakay pa rin ako. Mas gusto ko sana sa bus pero no choice na, kasi bigla na lang umiyak ang kalangitan. After 10 minutes siguro, lumabas ulit si haring araw. Naman! Hay, ok lang. Nakapwesto naman ako ng mabuti. Nakaupo sa hulihan, so maganda ang view ko ng loob ng jeepney at ng mga sakay nito. Ayan si kuya, nagpa-cute pa talaga. Uhm!


Whew! Ambilis ng jeepney. Grabe. Nakakatanggal ng kulangot sa sobrang bilis. Pero buti naman, nakarating ako ng safe sa baryo namin. Ang baryo namin, nahahati sa dalawa. Isang baryo proper at isang sitio. At, merong papalabas na daan (malapit lang sa dagat) at merong papasok (sa gilid ng mga bukid ang daan).


Sikat rin ang aming baryo (at ang karatig-baryo na Qui-anan) sa mga minatamis o pinoy kendi tulad ng bandi, peanut brittle at pinasukbong saging. Yummy!


Now this is the fork on the road. To put it bluntly, the road on the left side, papuntang dagat. The one on the right side, papuntang bukid. Hehehe. Both roads lead to San Jose, Antique. So pipili ka na lang kung saan ka dadaan. The national highway is the one on the right, though. So mas maraming sasakyan na dumadaan dito.


I took the path going to the right. From the baryo proper, my humble home is about 300 meters away. Ok lang.. pwedeng lakarin. Kayang-kaya ng powers ko. Hindi naman delikadong maglakad-lakad sa amin. Mababait ang mga tao sa amin. Eh sa mabait naman ako sa kanila. So.. kindness begets kindness, diba? Safe talaga sa baryo namin. Maaliwalas. Maganda. Oh! At merong rest area. LOL..


The view from the top. Eto ang makikita mo when you take the road on the right. Kasi nga ang daan sa left side, pababa talaga yun. So when you take the other road, you'd get to see these.. The houses and trees, and of course, full view of the ocean. About 20 meters away from the baryo proper, makikita mo na ito..


That's the ocean over there... hindi nga lang masyadong makita sa piktyur. Hm.. Parang magkarugtong lang ang dagat at langit. At one glance, ang mga bahay ay parang nasa gilid lang ng bangin. Hehe. Nice view, di ba? Anyway, nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi at patuloy rin sa pagpipiktyur.


I didn't want to rush. Hindi naman mabigat ang dala ko. Just a single bag. So nag enjoy-enjoy muna ako sa pagkuha ng mga piktyur. Nag lakad-pagong. Super bagal. And it was about 4:00 in the afternoon, medyo mainit pa pero may dala naman akong payong. So ayos pa rin. Ang daan na to ay nasa gilid na ng bukid. I mean that literally. Sa kaliwa niyan, bangin na. Hihihi. Scary.


Eto na tayo at medyo pababa na. Ang aming bahay ay nasa lambak. Andaming matataas na puno ng niyog at mangga, at napapaligiran ng bukid. And so, mahirap makasagap ng cellphone signal. Wala ring internet.


Home sweet home. ♥ Surprise visit to kaya hindi nila alam na darating ako that day. Hehehe. Dad's at the city, overseeing the construction of my brother's house. My mom's busy with her plants. My Lola's busy with her food. Hehe! At 86 years old, matakaw pa rin ang lola ko. Cute.


The very next day, dumating ang aking byotipol pamangkin na si Sophia. 1year and 7months palang tong makulit at super cute na bata. Parang gusto kong ampunin. Hehe. That afternoon, hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw. Dad had to go to the beach to get some sand and gravel (for the construction of my brother's house). So we tagged along.


Okay.. Rest nako. Mwah! Pis awt!

16 comments:

  1. Na miss ko tuloy magpunta ng probinsya, ung tamang solong lakad lang, papalipas ka lang ng araw para sa nakakapagod na buhay sa syudad...

    ReplyDelete
  2. @Lord: Yep.. mag Kitkat ka rin. Hehe. sa probinsya talaga, masarap mag relax. Magmuni-muni.. Nakakawala ng stress.. Salamat, Lord for the comment. Amen. =)

    ReplyDelete
  3. Yun oh! Lakwatsa ka na naman... lol... Mas masarap pa rin sa probinsya... sariwang hangin, di ganun kasakit ang sikat ng araw at syempre safe... lol... kaya nga sarap maglakad lakad eh... hehehehhehehe

    ReplyDelete
  4. wow... nagbakasyon... kainggit naman! :D

    ReplyDelete
  5. wow, kaganda naman ng probinsiya niyo.
    magaya nga yan.

    pag uwi. picture picture sa mga daan.

    ReplyDelete
  6. waaaahhh.. kelan ka ba magsasama jan? nice!

    ReplyDelete
  7. natawa naman ako sa message me dito sa comment.
    you make my day.
    give me love, people.
    take care always leah

    ReplyDelete
  8. @Xprosaic: Hehehe.. Lakwatsa talaga? LOL.. Yep, agree ako sayo. Sarap ng buhay nayon. =) Salamat sa pagdaan, X.

    @Marco: Kahit na 2-3 days lang, worth it pa rin. Sarap mag kitkat. Sama kita next time, Marco. LOL.. Salamat sa pagdaan. =)

    ReplyDelete
  9. @DiamondR: Sure Rommel.. para naman makita namin ang kagandanhan ng inyong nayon. Ay.. tinopak lang ako kaya sinulat ko ang ganyan. Hehehe.. Buti naman napa-ismyl kita. TC rin.. =)

    @MD: Sabi ko nga sayo, diva.. bili ka muna ng ticket mo papunta dito.. LOL. Then libre kita ng pamasahe sa traysikel. =D

    ReplyDelete
  10. pstt, leah! 3 things:

    1 ► paragraph 9... rode talaga? hehehe...

    2 ► me permission ka ba ipost picture ni manong nagpacute? mamaya nyan u cant afford his TF! hala!

    3 ► and ung beach, ang lalaki ng sand! sand ba yan o bato pa? hehehe... sorry, nang okray po... puro sila puri eh... LOLLL

    oh wait, there's a 4th one:

    4 ► OA sa busy ako... pero syempre, i still visit my friends' blog... btw... you look like one of the really good friends i had... she used to be a teacher in Ateneo de Zamboanga, met her in one of the call centers where i used to work... im not sure kung buhay pa sya, kasi the last time i heard... puro daw irate ang callers nya... DSL account kasi kami... malamang nasa mental na un... LOLLL!

    ReplyDelete
  11. @Michael: on the 4th paragraph: Hahaha!! Oo nga noh? Wow mali.. hihihi! nagkamali lang ng pindot. Hihihi! Itatama ko na po, ser. Sori po, ser. LOL.

    about kay kuya: Oo nga noh? Ngayon ko lang din naisip, bakay di ko nga kaya ang TF niya. Ang kyut nya kasi eh.. Hahaha..

    sa beach: Hehehe. Halo-halo na.. pero yung malapit talaga sa dagat, mga pebbles na.

    on the 4th comment: LOL. Napatawa talaga ako dito ha.. Sasabihin ko sanang "Baka ako yun".. kaso me dagdag na "Malamang nasa mental na yun"... Hahaha. Hala ka. Baka mabasa niya to. Lagot ka.. =)

    Hahaha! Hay sige, okrayin mo ako. Lagot ka sa akin pag nakita kita. Eniwei, salamt talaga sa pagdaan Myke. =)

    ReplyDelete
  12. Baw.. sa magpataw kamo kara neh? Cute kay Sophie.. :)

    ReplyDelete
  13. pasalubong naman dyan! parang masarap tumira dyan sa inyo.. parang ang tahimik, kaya lang walang signal dyan diba?

    ReplyDelete
  14. @Carmela: Huo lai, sa Magpataw na kami. Nagkuha lang balas si tatay kay dal-un sa syudad. Hindi manaug si Sophie, te amo na sa tanan ko nga pictures, ara guid sya. Hehehe. =)

    @Goyo: Ay hindi ako nakabili ng pasalubong for you. Tsk. Next time. Hehe.. Yep, sarap mamuhay dun. Wala nga lang signal ang cellphone. Tsaka wala ring internet. Pero ok pa rin. Tahimik. Walang gulo. Safe. =)

    ReplyDelete
  15. katuwa nman mga komento....
    pero totoo nman tila kaysarap magbakasyon jan sa inyong probinsya:)

    ReplyDelete
  16. @Imriz: Salamat po, Ms Imriz. =D

    ReplyDelete